Para sa may kaarawan ngayon: Punuin ng pag-ibig ang bawat araw. Mahalin pang lalo ang mga taong nagbibigay sa iyo ng salapi upang lalo kang umunlad. Sa pag-ibig, ipadama pang lalo ang pagmamahal sa kasuyo upang lalong uminit ang relasyon. Mapalad ang 6, 9, 24, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Om.” Red at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Walang mangyayari sa lipunan. Mag-concentrate sa pag-iipon ng salapi para sa kinabukasan ng pamilya. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyo. Mapalad ang 3, 17, 29, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Garuda-Govinda-Arjuna.” Gray at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Upang lumigaya, pairalin ang ugaling materyoso at mapag-mahal, ito rin ang paraan upang mas madali kang yumaman. Sa pag-ibig, kung paiiralin ang pagiging mapagmahal, lalo liligaya at lalo pang sasarap ang relasyon. Mapalad ang 6, 11, 30, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Aum-Bhuvah.” Maroon at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Tumatanda ka na! Paghandaan ang sariling future, panahon na upang mag-invest sa isang negosyong sure ang kita. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyo. Sa panahon ng pagtanda siya na lang ang tangi mong maasahan at makakasama. Mapalad ang 5, 12, 21, 30, 47 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Mitra-Om.” Red at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Iwasang magreklamo upang ang magandang kapalaran ay hindi mapurnada. Tumango-tango ka lang hangga’t nagkakapera. Sa pag-ibig, wag nang tanggihan ang kasuyo, bumigay ka lang nang bumigay para masaya. Mapalad ang 2, 11, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Violet at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Init ang elemento ng Leo. Higit kang magiging mapalad kung magpapatuloy ang mainit na panahon. Sa pag-ibig, mapupurnada na naman ang pakikipagkita sa minamahal kapag bumuhos ang malakas na ulan. Mapalad ang 4, 10, 19, 27, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Maging maingat sa pagpili ng kososyobaka maloko ka na naman. Iwasang makipagtransaksyon sa isang Leo. Sa pag-ibig, suwetong-suweto sa iyong kapalaran ang isang Taurus upang makamit ang isang maligayang relasyon. Mapalad ang 3, 14, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Silver at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Bago makialam sa iba, pagbutihin muna ang sariling buhay. Magsikap pang lalo upang mas mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 17, 29, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Garuda-Arjuna-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Iwasang maging malihim. Panahon na upang ibahagi sa minamahal ang anumang problema. Sa pinanasyal, kahit na umaangat at dumarami ang kita, panatiliin pa rin ang pagiging matipid at masinop upang lalo pang umunlad ng umunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Githa-Bhagav.” Red at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ang “mamamana” o “The Archer” ay hindi dapat tumitingin sa likuran – ‘yan ang iyong simbolo. Wag balikan ang nakaraan upang magtuloy-tuloy ang pag-unlad at ang kaligayahan. Kung ano ang inaambisyon at pinapangarap mo ngayon, ikilos mo na agad. Sa ganyang paraan agad na mapapasaiyo ang tagumpay. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Gorocha-Sandapha-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Magtatagumpay sa negosyo kung hindi hahaluan ng emosyon. Tandaan na pera-pera lang ang labanan. Sa pag-ibig, kailangang makaisip ng paraan upang makatulong ang kasuyo sa mga gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag maniwala sa mga tsismis. Imbes na makinig sa mga ususera at ususero, mas mainam na pagbutihin ang pagnenegosyo. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong paniwalaan, ang kasuyong Libra. Mapalad ang 4, 8, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haram-Haram-Aum.” Blue at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pagpili ng mamahalin, dalawang bagay lang ang dapat isaalang-alang: una, ang ugali, sapagkat ang kabaitan ay hindi kumukupas at ikalawa, dami ng salapi. Kailangang mayaman ang iyong makatuluyan upang maging instant yaman ka rin. Mapalad ang 2, 7, 15, 25, 31, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Green at lilac ang buenas
Horoscope, June 06, 2018
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...