SASABAK na sa matinding aksyon at masusubukan ang katatagan ng Philippine squad sa nakatakda nitong dalawang laro kontra world ranked No. 6 Brazil at No. 11 Mongolia sa pagsisimula ng kampanya sa 2018 FIBA 3×3 World Cup ngayon sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Optimistiko ang host team na makakagawa ito ng malaking upset sa torneo matapos na bigyan ng go signal ang Fil-German na si Christian Standhardinger para maglaro sa koponan.
“Our lineup is intact, they had practice this afternoon and we’re good to go,” sabi ni Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio.
Ang 6-foot-8 rookie na si Standhardinger ay hindi nakapaglaro sa huling dalawang laro ng San Miguel Beermen sa PBA Commissioner’s Cup subalit sinabi ni Antonio na binigyan ito mismo ng permiso para makapaglaro sa pinakamalaking labanan sa mundo sa 3×3.
“Yes, he will be playing,” sabi ni Antonio patungkol kay Standhardinger na nagtamo ng pamamaga sa kaliwang tuhod at hindi nakalaro sa huling dalawang laban kung saan nagwagi ang Beermen.
Makakasama ng top rookie draft pick na si Standhardinger sina Stanley Pringle ng GlobalPort Batang Pier at ng TNT KaTropa sa torneo.
Ang Pilipinas ang pinakamababa ang ranking sa torneo sa No. 48 habang makakasagupa nito sa Group C ang ranked 3rd na Russia, Brazil (8th), Canada (32nd) at Mongolia (5th).