Tinawag na Domeng ang tropical depression na hindi inaasahang dadaan sa kalupaan.
Ayon sa Pagasa, magdadala ng ulan ang bagyo sa Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga at Davao regions.
Magbubuhos ng malakas na pag-ulan ang bagyo sa loob ng 300 kilometer diameter nito.
Sa weekend ay maghahatid ito ng ulan sa Luzon at Visayas area.
Ngayong araw ang bagyo ay nasa layong 675 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar. Ngayong umaga ay inaasahan ito sa layong 745 kilometro sa silangan ng Catarman, Northern Samar.
Umuusad ang bagyo sa bilis na 14 kilometro pa kanluran-hilagang kanluran. May hangin ito na umaabot sa 45 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 60 kilometro bawat oras.
Samantala, isang LPA ang namataan ng Pagasa may 1,193 kilometro sa silangan ng Luzon.