Kris kay Mocha: Hindi kita uurungan!

Isang palabang Kris Aquino ang sumagot sa social media post ni Asec. Mocha Uson.

Sinagot kasi ni Tetay ang post ni Mocha sa kanyang social media page matapos ipagtanggol si Pangulong Duterte matapos namang halikan sa labi ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa kanyang pagbisita sa South Korea.

Sa isang video post, ikinumpara kasi ni Mocha ang smack kiss nina Duterte at ng OFW  sa ama ni Kris na si Ninoy Aquino.

Ani Kris sumusobra na daw at “crossing the line” na ang ginawa ni Mocha.

Narito ang kumpletong sagot ni Kris.

“Asec Mocha Uson – marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin… Mapapansin mo si Noy hindi parte ng video ko dahil BUHAY sya. Kaya nyang depensahan ang sarili nya. Pero nung napanuod ko yung inupload mo para depensahan si presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan ng hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo?”

“Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama. Umiyak ako ng tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago sya pinatay. Isang regalong hindi binigay sa nanay ko na walang tigil mo ring binabastos. Nangako akong hindi kita papatulan – but this time you crossed the line.”

“You reminded me of how much I hurt my mom nung buntis ako kay josh & na disown ako pero nung 1 month si kuya – naglakas loob akong pumunta sa Times Street & once kinarga nya yung apo nya – sya na yung pinaka nagmahal sa anak kong may autism. Pinaalala mo na nung issue namin ni joey, nung umamin ako sa STD, niyakap lang ako ng nanay ko. Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko – yun siguro ang kaibahan namin – WALA KAMING PINAGTAKPAN. Wala kaming ginamit. Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kong maging mabuting ina – sinisikap kong ayusin ang buhay ko. Kaya ngayon hihiramin ko ang salita nya: TAMA NA. SOBRA NA… Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurungan. 💛💛💛👊🏻”

Binatikos si Pangulong Duterte sa panghahalik nito sa isang OFW habang ito ay naka-live broadcast.

Read more...