Sinibak na OIC ng Philhealth nasa board pa rin

NANANATILI pa rin sa board ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang sinibak na dating interim president na si  Celestina Ma. Jude de la Serna.

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa board pa rin ng Philhealth si de la Serna.

“Yes she is,” sabi ni Roque nang tanungin kung bahagi pa rin ng board si de la Serna.

Noong Lunes, inihayag ng Palasyo ang pagtatalaga kay Dr. Roy B. Ferrer bilang acting president at Chief Executive Officer ng Philhealth.

Matatandaang isinulong ng Kamara ang imbestigasyon laban kay de la Serna matapos namang kuwestiyunin ang paggastos niya ng P3,800 kada araw para sa kanyang tinutuluyang bahay sa Maynila.

Nauna na ring ipinag-utos ni Duterte ang imbestigasyon kay de la Serna matapos ang report mula sa Commission on Audit (CoA) na gumastos siya ng 627,000 sa pagpunta at pag-uwi sa Bohol noong 2017.

Tumanggi namang magkomento si Roque kung bakit nasa Philhealth pa rin si de la Serna.

“Ask ES (Executive Secretary Salvador Medialdea),” sabi ni Roque.

Read more...