Elmo sa kaso ni Frank Magalona: Nandito lang ako para sa kapatid ko!

“NANDITO lang ako lagi para sa kapatid ko!” Ito ang mensahe ni Elmo Magalona para sa kanyang elder brother na si Frank Magalona.

Nakulong ang utol ni Elmo matapos akusahan ng panghihipo ng isang babae kamakailan na sinasabing isang VIP host sa Revel Bar sa Taguig.

Kanina, sa presscon ng bagong barkada movie ng Regal Films na “Walwal” nakausap ng ilang miyembro ng entertainment media si Elmo at natanong nga tungkol sa kasong kinasasangkutan ni Frank.

“This is really an unfortunate event, but I can’t really say what happened because I wasn’t there but he’s already doing something about it.

“Of course, he’s my brother, I love him, he has my 100 percent support. I’m just here para sa kanya. If kailangan niya ako, I will be there for him.

“Siyempre wala namang may gustong mangyari ang ganu’n, but at the end of the day, he is still my brother, so he has my back,” pahayag pa ni Elmo na medyo naging emosyonal sa pagsagot sa isyu ng kanyang kapatid.

Naniniwala rin ang Kapamilya actor at “Walwal” lead star na malalampasan din ni Frank ang kontrobersyang ito,

“Like it’s really a hot stuff now, and I believe bukas, the following day, there will be a new hot stuff, so, parang lilipas din ‘yan. And I hope na matapos din ito.”

Samantala, very proud and excited na si Elmo sa nalalapit na showing ng “Walwal” kung saan makakasama rin niya sina Kiko Estrada, Donny Pangilinan at Jerome Ponce. Ka-join din dito ang “Walwal” girls na sina Kisses Delavin, Devon Seron, Jane de Leon at Sofia Senoron.

“Hindi lang po para sa millennials ang ‘Walwal’, this is for everybody na may barkada, may mga kaibigan at may tropa. This is also for all the parents out there na gustong maintindihan ang kanilang mga anak, pang-whole family siya,” ani Elmo na gumaganap na Dondi sa movie na isang prim and proper good son na nabubuhay upang paligayahin ang mga tao sa kanyang paligid.

Showing na ang “Walwal” sa June 27 nationwide, ito’y sa direksyon ni Jose Javier Reyes mula sa Regal Films.

Read more...