Alas-11 ng umaga ay isinailalim na sa inquest proceeding sa Taguig City Prosecutor’s Office sina Edmar Manalo, 40, isang Filipino- American at naninirahan sa Milipitas, California, USA at Wiilard Balisi , 38, ng Country Homes Putatan, Muntinlupa.
Sinampahan si Manalo ng physical injuries habang frustrated homicide kay Balisi na sumaksak umano kay Teng.
Pinalaya naman si Joseph Varona, 33, ng Monte De Piada, Paranaque, matapos mapanutayan na umawat lamang ito sa away.
Nagpapagaling na sa Saint Lukes Medical Center Global City si Teng, 24, na nagtamo ng saksak sa likod at tagiliran.
Nakalabas naman ng ospital sina Norberto Torres, 28, player ng Rain or Shine at Thomas Christopher Torres, 23, dating La Salle guard at residente ng Makati City. Nagtamo lamang sila ng gasgas sa braso.
Ayon kay Senior Supt. Santos, base sa mga saksi ay sa loob pa lamang ng Early Night Club Fort Strip ay nagkakaasaran at nagkakainitan na ang grupo ni Teng at ang mga suspek. Bunsod umano ito ng masamang mga tingin ng mga suspek sa nobya ni Teng na si Jeanine Tsoi.
Dahil sa ayaw ng gulo ni Teng ay inilayo nito ang kanyang nobya at lumipat ng upuan.
Pero paglabas ng mga ito alas-2:30 ng madaling araw ay nadaanan nila ang mga suspek sa parking lot nang club.
Muli umanong inasar ng mga ito ang grupo ni Teng habang sumisigaw ng “Pa-autograph naman sa inyo.”
Nainis ang mga suspek nang tanggihan sila ng mga basketball player kaya sinugod nila ang mga ito.
Duguang bumulagta si Teng subalit agad namang naisugod sa pagamutan.
Samantala , inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Oscar Albayalde si Southern Police District (SPD) director Chief Supt. Tomas Apolinario na magdagdag ng pulis sa BGC upang maiwasan ang kaparehong pangyayari.