Pinoy arestado matapos mandukot sa loob ng tren sa Tokyo

ARESTADO ang isang Pinoy noong isang linggo matapos dukutan ng pitaka ang isang pasaherong estudyante sa Yamanote Line sa Tokyo.

Pinaniniwalaang ninakaw ng 39-anyos na lalaki, na nagtatrabaho bilang isang garbage collector, ang pitaka mula sa loob ng bag ng estudyanteng noong Martes, Mayo 29, ayon sa ulat ng Sankei Shimbun. Naglalaman ang pitaka ng 26,000 yen (P12,000) at bank card.

Nangyari ang pagnanakaw habang nakahinto ang tren sa Shin Okubo Station.

Inamin ng Pinoy ang krimen kung saan sinabi niya sa Tokyo Metropolitan Police na kailangan niya ng pera, batay na rin sa ulat ng The Tokyo Reporter.

Read more...