“Hindi natin maiwasang mag-isip ng ganun,” sabi ni Aquino, nang tanungin kung pumasok sa kanyang isip na posible rin siyang ipakulong kagaya ni de Lima.
Dumalo si Aquino sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccination program ng nakaraang administrasyon.
Nahaharap si Aquino, kasama sina dating Health secretary Janette Garin, dating Budget Secretary Florencio Abad at maramig iba pa sa iba’t ibang kaso kaugnay ng anti-dengue vaccination program ng Department of Health (DOH).
“The only (thing) we have is the truth and with the help of God, we will overcome these challenges,” dagdag ni Aquino.
Nais din ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), na itinatag ni Pangulong Duterte, na mapanagot sina Aquino at Abad matapos aprubahan ang Disbursement Acceleration Program.
Sinabi ni dating Manila Councilor Greco Belgica, isang opisyal ng PACC na umabot P6 bilyon ng P144 bilyong pondo ng DAP ang napunta sa kuwestinaleng mga proyekto.