Yaya nina Joshua at Bimby niregaluhan ni Kris ng mamahaling kuwintas

NAPAKA-generous talaga ni Kris Aquino dahil hindi lang ang anak niyang si Joshua Aquino ang binigyan niya ng vintage watch na nagdiwang ng ika-23 kaarawan ngayong araw, Hunyo 4 sa Tokyo, Japan.

Niregaluhan din niya si Yaya Bincai (Ruby Luntayao ang tunay niyang pangalan) ng Cartier necklace with diamonds.
Yes bossing Ervin, nag-celebrate rin kasi si yaya Bincai ng 10 taon ng matapat na pagsisilbi sa kanila simula pa noong panahon ni ex-President Cory Aquino.

Marunong naman kasing tumanaw ng utang na loob si Kris sa mga taong nakatulong sa kanila kaya maski na anong sinasabi ng iba na may mood swings ang Queen of Online World at Social Media ay mamahalin mo pa rin siya.

Anyway, si Josh mismo ang pumili kung anong gusto niyang regalo, ayon sa mama Kris niya. Ipinost nito sa IG ang vintage watch na suot ni Josh.

Samantala, ngayong araw ang dating ni Kris at ng mga anak sa Pilipinas dahil balik-shooting na ulit siya para sa “I Love You, Hater!”

Read more...