Ynez: Hindi kami mga walanghiyang tao, naniningil lang kami!

TALAGANG makikipagpitpitan ng daliri si Ynez Veneracion para lang mapatunayan niya na puro kasinungalingan ang mga pinagsasasabi ngayon ni Kathy Dupaya.

Nakikilala na ngayon ang kababayan nating negosyante sa Brunei, kaliwa’t kanang asunto ang hinaharap nito ngayon, dumadami pa ang kanyang mga demanda dahil sa paglantad ng mga non-showbiz na kinunan nito ng halagang palalaguin daw sa Brunei.

Pero ang pinakaayaw ni Ynez ay ang pagtungayaw ni Kathy dahil binastos daw nila ni Sunshine Cruz ang anak nitong hearing impaired.

“Nagtataka lang ako kung bakit bigla na lang niyang i-pinasok sa issue ang anak niya. Hindi siya kasali sa pinaglalabanan naming issue ngayon, inililihis ni Kathy ang usapan!

“Hindi kami mga walanghiyang tao para idamay pati ang anak niya sa paniningil namin ng perang pinagpaguran namin! Naniningil lang kami, hindi kami nambabastos ng kahit sino!

“Ang totoo, e, ang anak niya ang pinagmamalasakitan namin ni Sunshine. Post nang post ang anak niya tungkol sa depression, nagmalasakit lang kami, kaya bakit kami pa ang binabalikan niya ngayon ng mga bintang?

“Huwag niyang isali ang anak niya sa pinaglalabanan namin, walang alam ang anak niya sa mga ginawa niya sa amin. Anak niya ang nagagalit sa kanya dahil hindi raw siya binibigyan ng pera ng mommy niya, pero casino naman nang casino!” madiing pahayag ni Ynez Veneracion na tinawag na boldstar ni Kathy Dupaya.

Read more...