McCoy, Elisse may good news para sa nadismayang McLisse fans

SPEAKING of Maalaala Mo Kaya, happy si Hashtag member Mccoy de Leon dahil nabigyan siya ng chance na magbida uli sa episode ng longest drama anthology hosted by Charo Santos na i-pinalabas last Saturday.

Isang mapaghamong role ang ginampanan niya bilang lalaking hinarap ang takot na magkaron ng sakit na dystonia tulad ng kanyang tatlong kapatid.

Sa hirap ng kanilang buhay, pinili ni Romel (Mccoy) na malayo sa pamilya at sinubok ang kapalaran sa Maynila. Pero sa kanyang paghahanap ng swerte, pag-ibig ang kanyang nakuha sa katauhan ni Easter (Claire Ruiz).

Nang sila ay makasal, minabuti ni Romel na balikan ang kanyang kinagisnan at doon na rin bumuo ng kanyang pamilya. Ngunit sa kanyang pagbabalik, parang isang bomba ang sumabog sa kanya nang malamang ang kanyang kapatid na si Nonoy (Angelo Ilagan) ay may dystonia, isang sakit na nakakaapekto sa buto ng tao at nagdudulot ng biglaang paggalaw ng iba’t ibang parte ng katawan.

Hindi pa natapos ang dagok sa kanyang buhay nang malamang napapasa ang sakit at kalaunan ay tinamaan na rin ang kanyang dalawang lalaking kapatid na sina Toto (Marlo Mortel) at Joey (Mico Aytona).

Ang nasabing episode ay idinirek ni Dado Lumibao sa panulat ni Akeem del Rosario.

Samantala, sa lahat naman ng fans nina Mccoy at Elisse Joson, muling magtatambal ang dalawa sa kanilang launching movie under Quantum Films to be directed by JP Habac na siyang nagdirek ng “I’m Drunk I Love You.”

Read more...