Teaser ng ‘I Love You Hater’ trending agad; role ni Kris pang-true to life

TEASER pa lang ng “I Love You Hater” nina Kris Aquino, Joshua Garcia at Julia Barretto ay trending agad sa social media at ikinakilig din ng JoshLia fans.

Ito ang magsisilbing comeback movie ni Kris sa Star Cinema na showing na sa July 11 nationwide and directed by Giselle Andres. I-namin ni Tetay na talagang mabusisi ang kanilang direktor sa bawat eksena kaya medyo na-delay ang kanilang shooting.

“I’ll be honest, we’re ave-raging two sequences a day, very meticulous talaga (director). But at least, mapa-proud ako, alam niyo na hindi ito yung ni-rush and then ma-ganda siya talaga and from the teaser akala niyo it’s a typical romcom, pero it really has genuine family values and that is very important to me,” paliwanag ni Kris pagkatapos ng launching ng kanyang sariling make-up line sa Ever Bilena, ang Kris Life kits.

Nakaka-relate si Kris sa role niya sa “I Love You Hater” at naniniwala siya na napa-kaganda ng chemistry nila ng JoshLia, “I feel that yung as a girl boss in this, the three of us have
chemistry.”

Pagpapatuloy pa ng Social Media Queen, “Kasi ano ako, I’m Kris as Kris, Kris with the webisodes and Kris is the number one online influencer and Kris as KCAP. So may webisodes and then they (Julia at Joshua) are vying to be the new assistant because the ‘Alvin’ died in the story.” Ang Alvin na tinutukoy ni Kris ay si Alvin Gagui, ang kanyang kanang-kamay at confidante sa tunay na buhay.

“Nagko-compete silang dalawa to get that position so madaming mga ano, yung they watch all the webisodes all I’ve done so merong mga ni-recreate for the movie,” kuwento pa ni Kris about the movie. Sa lumabas na teaser ng pelikula, nagpanggap si Joshua na bading para mapunta sa kanya ang trabahong pinag-aagawan nila ni Julia.

Nasa Tokyo, Japan nga-yon si Kris kasama ang mga anak para sa birthday celebration ni Joshua. Bukas ang balik nila sa bansa.

Samantala, proud na proud si Kris sa kanyang Kris Life kits na available na nga-yon sa market (pati sa Lazada and Beauty MNL). Dito pinatunayan ng mommy nina Joshua at Bimby na hindi kailangang maging mahal ang pagpapaganda. Sabi nga ni Tetay at ng EB, “quality doesn’t always have to be expensive, these products prove that when it comes to an instant-ganda look, it’s all about value for money.”

Read more...