James Yap walang pakinabang sa mga pasabog ni Kris

UNWITTINGLY or otherwise deliberately, Kris Aquino stirred the hornet’s nest.

In her latest post thanking a corporate employee of a food manufacturing company ay bi-nubulabog ni Kris ang ngayo’y nananahimik na buhay ni James Yap.

Caption ng litrato ng taong ‘yon na kapa-ngalan ng basketbolista read: “Thanks for the new James in my life.” Nagpapasalamat si Kris sa tiwalang i-pinagkaloob sa kanya nito para sa pag-eendorso ng tatlo sa kanilang mga produkto.

Dahil dito’y umani ng batikos si Kris which she parried at once. Coincidence o nagkataon lang daw ‘yon, pero matagal na raw siyang nakausad o move on.

Knowing Kris, hahanap at hahanap siya ng paraan para maikunek sa personal niyang buhay ang mga bagay na may kinalaman sa kanyang career. Bilang endorser ng mga produktong ‘yon ay talaga namang labas si James Yap, pero nahanapan ‘yon ng kuneksiyon ni Kris.

Kris will always find a way to drag James’ name sa kung anuman ang kanyang mga gawain o proyekto, lalo’t ang endorsement na ‘yon ay milyones ang pinag-uusapan, bagay na ibinubutas niya kay James representing his supposed financial support para sa anak nilang si Bimby.

But if the public knows James well enough ay ipagkikibit-balikat na lang niya ang ginawang panga-ngalampag sa kanya ni Kris.

The least na i-naasahang reaksiyon mula sa basketbolista ay isang matipid na ngiti, with nary a word bilang reaksiyon. ‘Yun nga lang, baka at the back of his mind ay naa-amuse na lang ito.

The more kasi na mag-react si James sa indirect reference sa kanya, the more and the longer lang ang lalakbayin ng usapang wala naman siyang pakinabang, if not panalo.

Well and good for Kris na meron na naman siyang bagong product endorsement.

But James man o hindi ang first name ng corporate head ng nasabing food manufacturing company, the phrase “new James in my life” was much too unne-cessary.

Gumigising na naman kasi ‘yon ng isang nahihimlay nang isyu. Sabi nga, let sleeping dogs lie.

Read more...