ITINANGGI ni Bulacan Vice-Governor Daniel Fernando na may kilala siyang member ng isang bagong girl group na nagngangalang Chloe.
Nakasama ng mga member ng Philippine Movie Press Club si Vice-Gov over lunch sa Orantes Floating restaurant sa Iba Este, Purok3 sa Calumpit, Bulacan last Friday.
Sa simula ay nagbiro muna si Daniel sa name ng girl group na kinabibilangan nu’ng bagong female artist na katunog ng sikat na dating mananayaw at owner ng international dance group na si Bella Dimayuga.
“Huh? Bella? May kilala ako, Bella Dimayuga. She’s my friend. She’s a friend. Napa-kabait na tao niyan. Walang problema kay Bella,” bungad ni Daniel.
Pero nu’ng banggitin ang name ng baguhang talent ay mahinahong nagpaliwanag ang aktor-politiko, “Huwag na nating pag-usapan ‘yun,” lambing niya. “Marami akong kilala ng ganu’n ang pangalan. Ha-hahaha! Sa Bulacan lang napakarami.”
Dugtong niya, “Saka na muna ako magpapakasal. Wala na muna.”
Inulit ng kasamahan namin sa PMPC ang tanong kung nagkaroon sila ng relas-yon ng baguhang talent. Say ni Daniel, “Bella Dimayuga nga. Ha-hahaha! Parang pinapa-wisan ako rito. Ha-hahaha!”
Itinanggi rin ni Daniel na ikinasal na siya, “Wala pa naman. Virgin pa ako. Ha-hahaha!
Ilang beses din siyang tinanong kung kailan niya planong magpakasal, “Kailan ba ako magpapakasal? Hindi ko alam. Hindi pa siguro binibigay ng Diyos. Siguro ta-tapusin ko muna itong eleksi-yon at saka ko iisipin.”
Natahimik naman bigla si Daniel when asked kung may special someone siya right now, “Secret. Ha-hahaha!”
Samantala, tatakbo bilang gobernador ng Bulacan si Daniel sa 2019 elections. At magiging ka-partner naman niya bilang kanyang vice go-vernor ang asawa ng kasalukuyang Gobernador ng Bulacan.
Tinanong din si Daniel kung kumusta na sila ni Phillip Salvador na nakalaban niya sa pagka-VG sa Bulacan noong huling eleksiyon.
“Hindi pa kami nagkikita ulit, e. Pero okey naman ka-ming dalawa. Wala naman kaming ano, ako, okey siya sa akin. Nagbabatian naman kami kapag nagkikita. Nagyayakapan kami. Basta ako okey siya sa akin, Ewan ko kung okey sa kanya.”
Kapag niyakap naman daw niya ang isang tao, totoo raw ‘yun. Bahala na raw si Kuya Ipe kung ano ang totoong nararamdaman sa kanya.
May suhestiyon pa si Daniel sa samahan ng mga artista, ang KAPPT, na gumawa ng isang batas o resolusyon na walang artistang la-laban sa kapwa artista pagda-ting sa politika.
“Dapat tulung-tulong ‘di ba? Magbibigayan dapat. Kung maaari nga sana, same party. Wala namang problema kung healthy competition talaga. Basta ang kinakailangan lang halimbawa ‘yung magkaiba ng partido ang bawat artista, kung Senators walang problema, e. Maraming slots. Ang sinasabi ko ‘yung iilan,” esplika pa ni Daniel.
Sad naman na ikinuwento ni Daniel na ang dami niyang TV and indie projects na tinanggihan.
Schedule ang unang dahilan. Pangalawa, aabutin ng election ban. Kabilang sa mga tinanggihan niya ay ang General’s Daughter nina Angel Locsin at Maricel Soriano, Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya.