Jeron Teng, 2 ex-La Salle players sinaksak sa BGC

NAARESTO na ang mga suspek sa pananaksak sa Alaska rookie na si Jeron Teng at kanyang dating mga ka-teammate sa La Salle kahapon ng umaga.

Nahuli ng mga opisyal mula sa
Police Community Precinct 7 sa Bonifacio Global City Edmar Manalo, 40, Joseph Varona, 39, at Williard Basili, 38, matapos umanong saksakin si Teng at kanyang dating kasamahan sa Green Archers na sina Norbert Torres at Thomas Torres sa labas ng Early Night Club malapit sa Fort Strip.

Naaresto ang mga suspek ganap na alas-2:30 ng umaga.

Sinabi ni Police Chief Inspector Joseph Austria, na naglalakad sina Teng at dalawang Torres sa labas ng Fort Strip, noong Sabado ng gabi nang makuha ang atensyon ng grupo ni Manalo.

Nauwi ito sa mainit na pagtatalo at away.

Dinala ang mga biktima sa St. Luke’s Medical Hospital para magamot.

Bago ang pananaksak, galing si Teng sa laro ng Alaska sa PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum. Naka-iskor pa siya ng walong puntos sa 22 minuto kung saan nanalo ang Aces sa iskor na 109-103 laban sa GlobalPort.

Read more...