Tawag ni Loisa kay Ronnie: Bebeh of my life!

LOISA ANDALIO AT RONNIE ALONTO

HINDI man diretsong aminin ng Kapamilya loveteam na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang relasyon, naniniwala ang madlang pipol na matagal na silang magdyowa.

Sa latest Instagram post ng dalawang bagets, muli nilang pinakilig ang kanilang mga followers sa kanilang mga sweet photos.

Unang nag-post si Ronnie sa IG ng litrato nila ni Loisa na may caption na, “Ang akin habang buhay na.” Na sinagot naman ni Loisa ng, “Na-panis ang I love you.”

Sa kanyang IG account naman, nag-post si Loisa ng photo nila ni Ronnie kung saan tinawag pa niyang “Bebeh of my life” ang Hashtag member.

Read more...