Mamang sorbetero na pinaligaya ni Pacman ‘jackpot-knockout ’

NGAYONG Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, kilalanin ang sorbeterong nakatanggap ng sorpresa mula mismo sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Kahit pa na-stroke, tuloy pa rin sa pagtatrabaho ang ice cream vendor na si Mang Lino. At hindi niya akalain na para siyang naka-jackpot knockout matapos mabentahan kamakailan ng sorbetes si Sen. Pacquiao. Si Ninong Manny kasi, naantig sa istorya ni Mang Lino kaya si Mamang Sorbetero hindi lang binigyan ni Manny ng money, pati na rin ng bahay at lupa!

Ang NBSB o No Boyfriend Since Birth naman na si Fritz, hinamon ang kanyang celebrity crush at Kapuso Hunk na si David Licauco para sa isang date! Pero ang kundisyon ni David, kailangan munang makalikom ng 10,000 likes at comments, at 8,000 shares ang post ni Fritz para sila’y mag-fishball date. Eh nag-viral! Kaya naman, tuloy ang date nila ni David.

‘Yan at iba pang inspiring at viral na kuwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo after Lip Sync Battle Philippines sa GMA.

Read more...