AIZA kay CHARICE: Magpakatotoo, wag lang masyadong madaldal!

UNFAIR naman kay Charice na laging bansagang “copycat” lang ni Aiza Suguerra. Marami pa rin ang nagsasabi na tigilan na ni Charice ang panggagaya sa style ni Aiza – halatang-halata raw kasing uma-Aiza sa kanyang mga emote ang international singer.

Tanggap naman ni Charice na hindi maiiwasang maikumpara sila ng dating child star dahil nga pareho sila nang tinahal na landas, pero nakiusap naman ang singer na huwag na silang intrigahin ni Aiza dahil hindi sila magkakaaway, lalong hindi siya nakikipagkumpetensiya rito.

Nang tanungin naman si Aiza kung ano ang reaksiyon niya sa nagsasabing uma-Aiza lang si Charice, “I don’t think uma-Aiza siya. She is her own person, siguro anuhin natin sa bokabularyo natin na kung lesbyana uma-Aiza, no.

“I think iba-iba tayo ng pagkatao. Lesbiyana, bakla, lalaki, babae, I think we are our own person. I think she’d rather be chuma-Charice at ako uma-Aiza,” paliwanag ng actress-singer.

Basta ang payo lang niya kay Charice, “Ako ang message ko lang is continue lang to be yourself. Ako naman ang paniniwala ko basta wala kang tinatapakang tao intentionally kasi iba yun e.

“I think sa lahat naman ng desisyon natin may matatapakan at matatapakan tayo dahil hindi naman lahat ng tao gusto yung ginagawa natin pero as long as hindi natin ginagawa yun para manakit ng tao I think were good.

“Siguro ang advice ko lang now that the public knows who we really are, be grateful and at the same time na whatever it is na personal thing mo, keep it to yourself.

You don’t need to tell the whole world, keep it to yourself lang,” mahabang pahayag pa ni Kute sa seryeng Be Careful With My Heart ng ABS-CBN.

Read more...