Sulat mula kay Lydia ng Barredo st., Bislig City
Problema:
1. Nagkita kami ng textmate ko at sa pagkikitang iyon ay naging kami na. Maraming beses kaming nagkita at nag-date hanggang sa mabuntis ako. Ang akala ko’y binata siya at pakakasalan ako, pero huli na nang matuklasan kong may asawa at pamilya pala siya.
2. Nag-text sa akin ang kanyang asawa at hindi ko alam kung paano niya nakuha ang number ko. Sinabi ng asawa niya na huwag ko na raw guluhin ang kanilang pamilya. Pero nang mabuntis ako ay di na nagpakita ang BF ko. Malapit na akong manganak. Itatanong ko lang po kung babalikan pa ba ako ng BF ko? Pananagutan kaya niya ang baby na dinadala ko o bibigyan man lang kaya kami ng sustento? Ano ang mangyayari sa buhay ko?
Umaasa,
Lyds ng Bislig City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing namang dahil likas kang mabait at mabuting tao, darating ang takdang panahong gagantimpalaan ka rin ng kabaitan at kabutihan ng tadhana. Mangyayari ito sa last quarter ng taon. Kasabay noon ang pagdating sa iyong buhay ng isang lalaking isinilang sa petsang 29.
Graphology:
Upang matiyak na sa ikalawang pag-ibig at pakikipagrelasyon ay hindi ka na luluha pang muli, ayusin at pagandahin mo ang nababoy at may malaking bilog na lagda sa unahang bahagi ng iyong pirma. Magagawa mo ‘yan sa pamamagitan ng pagsulat ng simpleng “M” na lang. Sa ganyang maayos at simpleng lagda, magiging maligaya ka sa ikalawang pakikipag-relasyon.
Huling payo at paalala:
Lydia, ayon sa iyong kapalaran, kung buntis ka ngayon ay okay lang ‘yan. Lilipas at mapaglalabanan mo ang pagsubok na nabanggit at kahit na maging dalagang-ina ka pa, nakatakda na ang magaganap sa taon 2014, isang lalaking nagtataglay ng initial na R.A. ang iyong makikilala, magiging boyfriend mo siya at kahit na dalagang-ina ka ay wagas ka niyang mamahalin. Makakasama mo rin siya sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Umibig kang muli (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...