Janine Berdin wagi bilang Tawag ng Tanghalan Grand Champion

Tinanghal bilang Tawag ng Tanghalan Grand Champion si Janine Berdin ng Visayas.

Umabot sa 96.11% ang kanyang nakuhang iskor mula sa judges at sa boto mula sa madlang pipol.

Ginanap ang Grand Finals ng Tawag ng Tanghalan sa Aliw Theater kung saan meron itong kasabay na live broadcast


Ang mga nakalaban nya sa Final 3 ay sina Ato Arman ng Mindanao at Steven Paysu ng North America.

Inawit ni Ato Arman, na nakuha ang 2nd place, ang mga kanta ni Freddy Aguilar bilang pang huling awitin para sa kampeonato habang ang 3rd placer naman na si Steven Paysu ay Barry Manilow medley ang pinerform.

Mga kanta naman ni Bamboo ang binirit ni Janine.

Naging dikit ang laban dahil lahat ng mga performers ay binigyan ng standing ovation ng mga judges at malakas na hiyawan ng mga nanonood.

Mahigit na P2M na cash prize, maliban pa sa mga iba pang papremyo ang nakuha ng grand winner. Ilan pa sa mga papremyo ay music deals, pa-business at house and lot.

Read more...