7 pelikula aariba sa 2018 TOFARM filmfest

MULA sa 119 na nag-submit ng kanilang entries, pito lang ang napili para maging opisyal na kalahok sa 2018 TOFARM Film Festival Philippines.

Sa ginanap na media conference para sa ikatlong taon ng TOFARM filmfest, mismong si Harvester International Inc. President and CEO Dr. Mila How ang nag-announce ng seven official entries bilang executive producer ng filmfest na magaganap mula Sept. 12 hanggang Sept. 19, 2018.

Kasama rin ni Dr. How sa bonggang announcement ang festival director na si Bibeth Orteza, at ang direktor na si Joey Romero bilang managing director. Binigyan din ng madamdaming tribute sa event ang yumaong awatd-winning director na si Maryo J. delos Reyes na siyang brainchild ng TOFARM filmfest.

Ang bawat entry na napili ay bibiyan ng seed money na P1.5 million mula sa Harvester International para maisapelikula ang kanilang isinumiteng kuwento.

Narito ang 7 full-length entries para sa 2018 TOFARM Film Festival. Pasok ang “1957,” na isang historical drama na isinulat at idinirek ni Hubert Tibi. Ito’y tungkol sa mga farmers sa Bicol na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Don Pepe, isang istriktong landlord.

Napili rin ang “Alimuom”, isang science fiction na isinulat at ididirek ni Keith Sicat.

Isang period romance naman ang “Fasang” ni Charlson Ong na ibinase sa classic Philippine short story na “Tanabata’s Wife.” Siya rin ang sumulat ng screenplay ng “The Ghost Bride” ni Chito Roño.

Ang “Isang Kuwento Ng Gubat (The Leonard Co Story)” ay isang biopic naman na isinulat ni Rosalie Matilac, at ididirek nina Ellen Ongkeko-Marfil, Rosalie Matilac at Milo Paz.

Cultural drama naman ang “Lola Igna” na isinulat at ididirek ni Eduardo Roy Jr., na kukunan pa sa Sagada. Futuristic drama naman ang “Mga Anak Ng Kamote” written by John Carlo Pacala, sa direksyon ni Carlo Catu.

Nadiyan din ang “Sol Searching” na isang dark comedy, isinulat at ididirek ni Roman Perez Jr..

Nagpahayag ng kasiyahan si Dr. Mila How sa patuloy na sumusuporta at naniniwala sa TOFARM at naniniwala siya na kahit wala na si Direk Maryo J ay patuloy pa rin silang sinusubaybayan nito.

Ang pitong official entry ay pinili ng mga miyembro ng Selection Committee na kinabibilangan nina Raquel Villavicencio (chairperson), Krip Yuson, Antoinette Jadaone, Mario Cornejo at Manny Buising.

Read more...