Pamilyang Pinoy na taga-Australia may nadiskubre kay Alden

ALDEN RICHARDS

PALAGING masarap sa pandinig ang mga kuwento ng papuri ng ating mga kababayan sa mga artistang marunong magpasaya at magbalik ng ganting utang na loob sa kanilang kapwa lalo na sa kanilang mga tagahanga.

Ganu’n na lang ang mga papuri ng grupo ng aming mga kaibigan na nakasabay sa flight ang Pambansang Bae papuntang Australia kamakailan.

Kuwento ni Lina Valdez, “Sis, mabait pala talaga si Alden Richards. I can vouch for that, kasi, kami mismo ang naka-witness ng pagiging nice niya. He’s really so nice and approachable. Wala siyang arte, he’s so guwapo pa and mabango!

“My nieces and nephews kasi came to him for selfie. Halatadong pagod na pagod siya, parang antok na antok na siya. Pero pinagbigyan niya ang mga bata, he was even asking them kung na-enjoy raw ba nila ang vacation nila sa Philippines?

“Alam mo naman, may mga nakakasabay rin kasi kaming mga personalities sa flight na hindi ganu’n ka-nice sa mga nagpapa-picture sa kanila. I won’t name names na lang, but Alden is so different!” kuwento ng aming kaibigang matagal nang naninirahan sa Sydney, Australia.

Parang walking PRO na ngayon ng sikat at guwapong binata ang pamilya ng aming kaibigan. Puro positibo ang maririnig mula sa kanila tungkol sa Pambansang Bae.

Ang nagagawa nga naman ng magandang ugali sa harap at likod man ng mga camera. Parang apoy na mabilis na kumakalat ‘yun.

Read more...