Aicelle Santos may ‘tendonitis’ kaya pinag-leave sa Miss Saigon

NAKA-LEAVE ang Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos sa “Miss Saigon” tour sa United Kingdom dahil sa kanyang sakit.

Na-diagnose si Aicelle kamakailan ng “tendonitis” kaya kinailangan muna niyang magpahinga at mawala ng isang linggo sa musicale stage play na “Miss Saigon” kung saan ginagampanan niya ang role na Gigi Van Tranh.

Sa isang health and wellness website, nagkakaroon daw ng tendonitis ang isang tao dahil sa “too much stress on joints.”

Nag-post si Aicelle sa kanyang Instagram account kahapon ng kanyang litrato habang nagpapahinga. Nilagyan niya ito ng caption na: “Mood for the week that was…

“I’ve been off from Miss Saigon for a week now to recover from bad knees (tendonitis). Praying to be back soon, better and stronger! For now, I will remain patient and positive! I receive Your healing Jesus. Sending everyone positivity and love this Sunday!”

Read more...