Gerald, Ogie ‘bad-trip’ sa pagkatalo ng Cavaliers kontra GSW sa Game 1

MALUNGKOT ang ilang celebrity fans ng Cleveland Cavaliers dahil pinataob sila ng Golden State Warriors sa game 1 ng NBA Championship kahapon.

Tiyak na bad-trip sina Ogie Alcasid at Gerald Anderson na idol na idol pa naman si Lebron James ng Cavaliers, huh!

Eh, si Gerald pa naman, balitang tuluyan nang sasabak sa mundo ng basketball dahil kasama siya sa Team Marikina para sa Maharlika Pilipinas Baskeball League na binuo ni Sen. Manny Pacquiao.

Para kay Ge, “ball is life” na at hindi na showbiz. Maganda naman ang pagtanggap ng ilang fans ng aktor sa pagbabago niya ng career at nangako pa ang mga ito na susuportahan ang Team Marikina kapag nagsimula na ang liga.

Tingin naman namin, hindi basta-basta iiwan ni Gerald ang pag-arte, pero sa ngayon mas gusto niyang ibandera sa buong mundo ang kanyang talento at galing sa pagdidribol at pagsu-shoot ng bola, huh!

Read more...