Jessy sexy na, pero nilait pa rin: Pinaghirapan ko ‘to!

Kahit anong pigil ang gawin ni Jessy Mendiola sa pagpatol sa mga bashers, hindi pa rin niya naiwasang sagutin ang mga body shamers sa social media.

Nag-ugat ito nang mag-post ang girlfriend ni Luis Manzano ng latest photo niya sa Instagram account kung saan makikita ang patuloy niyang pagpayat. Pero sa kabila ng effort niya para magpaganda ng katawan, ayaw pa rin siyang tantanan ng mga haters.

Narito ang resbak ni Jessy sa mga taong patuloy na nanlalait sa kanyang katawan, “Nung malaman ako, dami niyo sinasabi. Ngayon pumayat ako, dami niyo din sinasabi.

“Proud ako maka-lose ng 27lbs, ok lang? Masama ba?”

“Sa mga nega dyan, kalma kayo. Exercise din kayo para sumaya naman kayo, kailangan niyo ng endorphins eh. BTW I worked hard for this. Hirap kaya magpakahealthy. Yun lamang. End of rant.”

Read more...