SINABI ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na inaasahang magiging maulan ang simula ng klase sa Lunes dahil sa dalawang low pressure area (LPA) sa bansa.
Ang isa ay 335 kilometro sa kanluran-timog kanluran ng Puerto Princesa, Palawan at ang isa ay 900 kilometro sa silangan-timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ang dalawang LPA ay mayroon umanong tyansa na maging bagyo ngayong weekend o unang bahagi ng susunod na linggo.
“Both LPAs may develop into tropical cyclones around this weekend or early next week, which could trigger the onset of the rainy season.”
Ayon sa PAGASA dahil sa Intertropical Convergence Zone at LPA sa West Philippine Sea ay magiging maulap ang papawirin sa Palawan, Visayas at Mindanao na maaaring magdulot ng pag-ulan mula ngayong araw hanggang sa Lunes, ang unang araw ng pasukan.
Sa Metro Manila ay magpapatuloy ang maalinsangang panahon at posibleng umulan kapag hapon o gabi.