JM basag sa basher: Dapat tinotokhang agad ang adik!

JM DE GUZMAN

“Wala nang nagbabago na adik, dapat tinotokhang na agad!” ‘Yan ang nakakalokang mensahe ng isang netizen kay JM de Guzman matapos mag-post ang aktor ng isang video sa Instagram.

Dito mapapanood si JM habang kumakanta sa #RealNumbersPH event ng Philippine National Police last Tuesday. Ang nasabing event ay bahagi pa rin ng anti-drug campaign ng Duterte administration.

Isa si Kris Aquino sa mga nag-comment sa IG post ni JM kung saan pinuri nito ang binata. Ani Kris, “I’ve always been a believer in your immense talent. I got to watch a private screening of Tandem & was just so impressed – 1st time it made me want to do something so gritty & raw.”

Nagpasalamat naman si JM sa papuri ni Kris, “Ms. Kris salamat po!”

Dito na nga umepal ang isang netizen at nagsabing dapat daw ay tinotokhang na agad ang mga adik. Itinag pa ng basher si Kris sa kanyang comment.

Hindi na siya pinatulan ni JM sa halip sinagot niya ang basher ng titulo ng pelikula nina Kris, Joshua Garcia at Julia Barretto. Anang aktor, “I love you hater. Hug kita.”

Pero hindi pa rin nagpatalo ang netizen, sinagot uli nito si JM ng, “Hindi ako hater and i don’t need ur hug. See lahat ng tao nakapaligid sayo they like u puro good things ang sinasabi at gusto mo marinig kase sikat ka. Pero ako lang nagsabi ng totoo. Prove mo sa sarli mo na pwede ka magbago.”

Read more...