Ryan binalaan ang mga bastos at pekeng Aldub fans

RYAN AGONCILLO, ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

HINDI pinalagpas ni Ryan Agoncillo ang ginagawang pamba-bash sa kanya sa social media ng mga nagpakilalang AlDub fans.

Nabasa ng TV host-actor ang ilang post ng tagasuporta raw nina Alden Richards at Maine Mendoza kung saan inaakusahan siyang may “favoritism” at may “kinikilingan”. Mas pinapaboran daw kasi ng mister ni Judy Ann Santos ang Pambansang Bae kesa sa Dubsmash Queen.

Na-bad trip ang ilang members ng AlDub Nation dahil sa pagsuporta ni Ryan sa bagong teleserye ni Alden. Todo promote raw kasi ito sa Victor Magtanggol sa Eat Bulaga. Ayon sa isang netizen, halatang-halata raw na mas gusto ni Ryan si Alden.

Narito naman ang naging reply ng TV host, “I fail to see how this is of any concern to me.”
Last Friday inihayag ng GMA 7 na si Alden nga ang bibida sa fantaseryeng Victor Magtanggol at feeling ng mga AlDub fans hindi si Maine ang makakatambal ng binata. Kanya-kanya nang post ng maaanghang na salita ang netizens laban kina Alden at Maine.

May ilang bashers pa nga na dinamay na ang iba pang hosts ng Eat Bulaga dahil sa galit nila sa GMA 7 kabilang na nga si Ryan. Dahil dito, nakiusap na ang TV host na tigilan na ang pagpo-post ng hate messages sa social media.

Pahayag ni Ryan, “Kids please. your issues are not mine. I am very sure it means a lot to you, i won’t even meddle, none of this is my business.

“But what i won’t allow is you disrespecting either of my friends in my house. take it somewhere else. don’t kill the vibe,” dagdag pa ni Ryan.

May mga IG followers ang asawa ni Juday na nagtanggol sa kanya.

Hirit ni @maichardinfinity1624 sa isang hater, “Grabe ka pati taong walang alam dinadamay mo basher ni Alden wala ka na talagang hiya ano kapal Nang feslak ninyo madam!”

Sey naman ni @kences21, “@ryan_agoncillo you shouldn’t reply to this person, she doesn’t understand English at all!”

Ayon naman kay @hellokittyssas, “Hi Ryan, just want to thank you for your and the Dabarkads” support kay Alden. Na touch talaga ako nang tawagin ninyong Mang Victor Magtanggol si Alden. Thanks!”

“No concern nga nman ung cnsbi nyo. Not to Ryan. D nman basher c Ryan mahal nya pareho cna Maine at Alden. kya ayw ng mg artsta ni Maine kc ganyan kyo. Hilig nyo pang mandamay,” chika naman ni @iamanohjonali.

Ito naman ang sey ni @jopneth, “Pasensya na Ryan sa ibang accounts ng Dabarkads na dinadamay ng ibang nagpapanggap or hindi makaintinding fans. Thank you.”

Read more...