Kris nagpapahanap kay Mega ng ‘sweetheart’ na katulad ni Kiko

KRIS AQUINO AT SHARON CUNETA

NAGLABAS ng kanyang paghanga si Kris Aquino sa mister ni Megastar Sharon Cuneta na si Sen. Francis Pangilinan sa kanyang Instagram account.

Bumilib si Kris kay Sen. Kiko pagkatapos niyang basahin ang libro ng mister ni Mega titled “Tagsibol.” Ang “Tagsibol” is about Sen. Kiko’s journey sa pagtatanim na sinimulan niya when he became the chairman sa Senate committee on food and agriculture noong 2010.

Pagmamalaki pa ni Kris, natapos niyang basahin ang libro in “one sitting.” Dito mas nakilala ni Kris ng personal ang mister ni Mega. Dahil diyan, may dugtong pa siya na mensahe sa kanyang IG post para kay Mega.

Lantarang nagpahanap si Kris kay Sharon ng gaya ng “sweetheart” niya na pwedeng ipakilala sa kanya. Pero may kondisyon si Kris. Say ng Queen of All Media, “Pero instead of a lawyer, mas winner kung doctor? #lovelovelove!”

Bagay nga kay Kris ang boyfriend na doctor dahil masasakitin ang mommy nina Bimby at Joshua.

As expected, umani ng negatibong comment ang IG post ni Kris. May nag-akusa na ginagamit lang daw ni Kris si Sen. Kiko. Pinatulan ni Kris ang comment na ito ng netizen, “@rongienor he doesn’t need to run. @kiko.pangilinan’s term is until 2022. Bago mag criticize, please alamin muna ang FACTS.”

At ‘wag kalimutan na ang misis ni Sen. Kiko ay si Megastar Sharon Cuneta. Kaya bakit pa raw niya kailangang gamitin si Kris for his political agenda?
Natawa naman kami sa ilang netizen na nag-post ng comment kung pwede silang mag-apply bilang boyfriend ni Kris.

Read more...