Mga Laro Ngayon (SM Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. Columbian Dyip vs TNT KaTropa
7 p.m. Barangay Ginebra Kings vs Meralco Bolts
Team Standings: Rain or Shine (5-1); Alaska (4-1); TNT (4-1); Magnolia (3-1); Meralco (3-2); Columbian (3-3); Globalport (3-3); Phoenix (3-3); NLEX (2-4); San Miguel Beer (1-3); Barangay Ginebra (1-3); Blackwater (0-7)
ASINTA ng TNT KaTropa na matuhog nito ang ikalimang panalo sa anim na laro at makasabay sa nangungunang Rain or Shine Elasto Painters sa pagsagupa nito sa mapanganib na Columbian Dyip sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Magsasagupa ang KaTropa at Dyip sa ganap na alas-4:30 ng hapon bago sundan ng salpukan sa pagitan ng Meralco Bolts at Barangay Ginebra Gin Kings ganap na alas-7 ng gabi.
Huling tinalo ng Texters ang patuloy na naghahanap sa unang panalo na Blackwater Elite, 120-101, para iangat ang kartada nito sa 4-1 panalo-talo habang nakalasap ng kabiguan ang Dyip, 101-126, kontra Magnolia Hotshots na naghulog dito sa 3-3 baraha.
Ipaparada ng TNT ang bago nitong import na si Joshua Smith para makatulong kina Ryan Reyes at Troy Rosario na umiskor ng pinagsamang 35 puntos sa huling laro ng Texters.
Aasa naman ang Columbian sa import na si John Fields na may 22 puntos at 19 rebound at kay Jeremy King na may 19 puntos sa huli nilang laban.
Aasa naman ang Columbian sa import na si John Fields na umiskor ng 22 puntos, 19 rebound at 1 assists at Jeremy Kingsna may 19 puntos at apat na assists sa pagnanais masungkit ang ikaapat na panalo.
Magbabalik para sa Gin Kings ang import na si Justin Brownlee para maisalba ang koponan na nalasap ang ikatlong kabiguan sa loob ng apat na laro matapos matikman ang 98-103 pagkatalo kontra Phoenix Fuelmasters.
Puwersado ang Gin Kings na ipanalo ang lahat ng natitirang laro sa maikling format ng torneo upang makahabol sa unang dalawang puwesto na agad tutuntong sa semifinals o makasiguro ng isa sa apat na puwestong magsasagupa sa matira-matibay na quarterfinals.