MATTEO ‘PINAGLARUAN’ lang daw si JESSY, iginante ang kaapihan ni JM

AWARE kaya si Jessy Mendiola sa blind item about her na pinagkaisahan siya? Ang chismis kasi, merong mga taong nagmamalasakit kay JM de Guzman ang gumawa raw ng paraan para makaganti kay Jessy matapos nitong hiwalayan ang actor.

Kinausap raw ng mga friends ni JM si Matteo Guidicelli who reportedly agreed to the scheme. Ayun, pinaibig daw ni Matteo si Jessy when they were paired up sa isang afternoon soap ng Dos.

Wala raw kamalay-malay si Jessy na it’s all for a show lang ang drama ni Matteo na sweet-sweet-an sa kanya. Matteo allowed himself to be photographed with Jessy in their sweet moments together.

Nariyang magkayakap sila while watching the scenes shot in their soap opera. They were extra sweet din sa isang sports event which Matteo joined.

And when the time came ay unti-unti na ring lumayo si Matteo kay Jessy. Naramdaman naman kaagad ito ng dalaga lalo pa’t may nakarating yata sa kanyang sweet si Matteo kay Sarah Geronimo when they did a show together sa US.

Jessy’s heart must be hurting when she learned na hinalikan pa ni Matteo si Sarah sa kamay pagkatapos ng kanilang production number.

Sayang at late na namin nabalitaan ang blind item about Sarah. We could have asked her sa presscon ng pinagbibidahan niyang soap opera na Maria Mercedes kung totoo ang aming nabasang blind item about her.

Read more...