“Baka wala pa tayo sa 50 percent sa problema natin sa illegal drugs. Despite sa ating operations napakarami pa rin nating nahuhuli at meron pa rin tyong incidents of robbery lalong lalo na yug akyat bahay,” sabi ni Albayalde.
Matatandaang ipinangako ni Duterte na matatapos niya sa loob ng anim na buwan.
“That is just my personal perception. The way I see it kasi (because) in spite of our accomplishments still araw-araw pa rin naaresto natin, naengkwentro,” ayon pa kay Albayalde.
Libo-libo na ang namamatay, na karamihan ay mahihirap mula nang simulan ng gobyerno ang gera kontra droga.
Base sa datos ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency, umabot na sa 4,279 suspek sa droga ang napapatay.