“Well, nasa Tulfo na ho iyan kasi sila naman iyong boluntaryong nagsabing isasauli nila. So, we’re counting on their word of honor na kung ibabalik nila at sinabi nila eh talagang ibabalik nila,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nauna nang sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na hindi pa rin natatanggap ng DOT ang ipinangakong P60 milyon ng mga Tulfo.
Kasabay nito, sinabi ni Roque na nasa kamay na ng Ombudsman ang imbestigasyon kaugnay ng kontrobersiya.
“Well sa ngayon po inimbestigahan na ng Ombudsman, iyan po ang naging deklarasyon na ni Ombudsman Conchita Morales,” sabi ni Roque.