Metro Manila, mga kalapit na probinsiya nakaranas ng matitinding pag-ulan

BUMUHOS ang malakas na ulan sa Metro Manila sa at kalapit na mga probinsiya ngayong hapon.

Nakaranas ng matinding pag-ulan sa Bataan, Nueva Ecija, Tarlac at Pampanga, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa isang advisory ganap na alas- 2:18 ng hapon.

Malakas na pag-ulan din ang bumuhos sa Metro Manila (Quezon City, Camanava, Pasig, Marikina, Mandaluyong), Bulacan, Cavite, Rizal, Zambales, Laguna, Batangas, at Quezon na tumagal ng dalawang oras.

Read more...