Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumaya sa winning number combination na 25-49-10-37-26-06.
Lima naman ang nanalo ng tig-P213,670 matapos makuha ang limang numero. Tig-P1,290 naman ang tinamaan ng 660 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 15,193 mananaya na nakatatlong numero.
Samantala, may nanalo ng P19.8 milyon sa bola ng 6/42. Isa lang ang tumaya sa winning number combination na 14-33-01-13-28-40.
Ang nanalo ay tumaya sa Rosario, Cavite.
Nanalo naman ng tig-P25,000 ang 13 mananaya na nakalimang numero. Tig-P650 ang tinamaan ng 778 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 12,720 mananaya na nakatatlong numero.
MOST READ
LATEST STORIES