ABS-CBN Bida Kapamilya may pa-zumba at cooking demo para sa mga momshies


BIDANG-BIDA ang mga mommy sa Mother’s Day treat ng ABS-CBN sa ginanap na “Bida Kapamilya Just Love Araw Araw” sa Robinsons Starmills, Pampanga kamakailan.

Nagsimula ang araw sa energetic na Zumba activity na sinundan ng job fair. May cooking demo din ang TESDA kung saan namigay ito ng scholarship para ilang mapapalad na contestants.

Mas uminit pa ang kaganapan pagdating ng hapon sa pagdagsa ng Kapamilya stars para sa espesyal na variety show sa pangunguna ng lead stars ng pinakabagong Star Cinema film na “Kasal” na sina Bea Alonzo at Paulo Avelino kasama pa sina Vin Abrenica at JC Alcantara.

Nagpakilig naman ang bagong tinitiliang loveteam nina JM de Guzman at Barbie Imperial kasama ang iba pa nilang co-stars sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi na sina RK Bagatsing, Jane Oineza, Paulo Angeles, Ysabel Ortega at Joshua Colet.

Hindi rin nagpahuli ang Daytime Drama Queen na si Julia Montes na naghatid din ng “Just Love” good vibes sa mga Kapamilyang dumagsa sa Pampanga.

Nakisaya rin ang grupo ng tulisan sa seryeng Bagani na sina Mikylla Ramirez, Charlie Dizon, Eslove Briones, Eric Tai at Miko Penalosa habang nangharana naman ang mga bagani na sina Makisig Morales at Zaijian Jaranilla sa kanilang loyal viewers.

Todo hiyawan naman sa Robinsons Starmills sa pagsabak ng kilig ambassadors na Hashtags at Girltrends habang dumalo rin sa kasiyahan ang The Voice Teen finalist na si Jeremy Glinoga, One Music artists na sina Michan at Iskala, Lodi records artists na sina Blank Tape, Manny Paksiw, at Diorap pati na ang YeY kids at si Donna Cariaga.

Nagsilbing hosts naman para sa variety show ang mga kwela at paboritong mga MOR 101.9 DJs na sina Digong Dantes, Rico Romantico, Kisses at Eva Ronda.

Read more...