Female celeb superstar sa klase kahit laging absent

APAT na araw mula ngayon ay magbubukas na uli ang klase, at least in most schools.

Nakakatawang anekdota ito mula sa personal naming baul ng karanasan about a school-tripping female personality.

In fairness, very impressive ang kanyang academic achievements. Noong nasa kolehiyo siya, palibhasa’y she was already stung by the showbiz bee ay madalas siyang lumiban sa klase.

Pero sa halip na mangapa siya sa mga naiwang leksiyon o aralin, she’d pop out in school very much prepared. Parang hindi um-absent.

Minsan ay napadpad kami sa isang out-of-town shoot ng pelikulang kanyang ginagawa. Break ‘yon ng beach scene na kinunan.

Hinarap muna niya ang mga reporter, gathering them all at a nearby cottage. Interview keti interview. Maya-maya’y isa-isa nang nagpupulasan ang mga kasamahan ko, either to take a cool dip or walk back to the waiting service van.

Kaming dalawa na lang ang natira sa cottage much to my sheer discomfort. Aminado kasi ang inyong lingkod that we were uneasy with her. None of us wanted to jumpstart a conversation.

Pero knowing her na madaldal (but one who talks sense) ay hindi rin siya nakatiis. Banat ng hitad, “Ron, where did you graduate?” Sa isip-isip namin, of all the things she wanted to know about us ay gusto niyang malaman kung saan kami nagtapos.

Sumagot naman kami, may kabuntot pang paliwanag ‘yon na may kunek sa kanya which we delivered impromptu. Sensing perhaps we came mentally prepared for her, hindi na siya nagtanong uli.

So, why are we making this as a column topic? Classes will soon start. Mahalaga ang edukasyon. Yaman ito na hindi mananakaw.

Just like our female subject na mataas ang pagpapahalaga sa edukasyon, no wonder, may pinagmanahan ang bibo niyang anak.

Tanong lang: ang paghahabol sa nagugustuhang boylet, siguro naman ay hindi kasama sa natutunan ng mudra, ano?

Read more...