“Eh itong si Calida, matagal na man ‘yang security guard niya. Noon pa ‘yan. Why should I fire him? He is good, he is also from Davao but Ilocano ‘yan. Karamihan mga Ilocano. He is good. Bakit? Wala na ba tayong katuwiran mag-negosyo? Ano nila is na as long as you do not participate. The fact that you have divested in the sense that you have retired, huwag m,ong pilitin na just because he is retired, “hindi, mag-ano pa ‘yan siya.” So why do you have to impute or attribute malice there?” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos namang saksihan ang pagsira ng mga smuggled na motorsiklo.
Nauna nang nanawagan ang ilang mga mambabatas na sibakin na si Calida matapos namang umabot sa mahigit P150 milyong kontrata ang nakuha ng security firm ng kanyang pamilya na Vigilant Investigative and Security Agency Inc. (VISAI) mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.