DOJ sisimulan na ang imbestigasyon sa security agency ni Calida

SINABI ng Department of Justice (DOJ) na sisimulan na nito ang imbestigasyon kaugnay ng mga umano’y kontrata na pinasok ng ahensiya sa security agency ng pamilya ni Solicitor General Jose Calida.

Ito’y matapos naman itong isulong ni Sen. Francis Pangilinan.

Idinagdag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magsasagawa ang DOJ ng pagsisiyasat kahitvpa walang reklamo na inihain laban kay Calida o Vigilant Investigative and Security Agency Inc. (Visai), na pag-aari ng kanyang pamilya.

“As a matter of fact, it was already brought to our attention na baka merong some things to look into yung mga contracts na yun. I just said earlier na there’s a presumption of regularity but that is just a presumption so ang ibig sabihin nun if there is evidence to the contrary na baka there are some violations of let us say sa procurement laws natin then it is something that its worth looking into,” sabi ni Guevarra sa isang panayam sa Senado.

Nauna nang binatikos si Calida matapos namang ang daang-daang milyong halaga ng kontratang nakuha ng security agency ng kanyang pamilya sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

“So the DOJ will be open also to review also yung mga contracts na yun but only in so far as the DOJ contract is concerned,” dagdag ni Gueverra.

Read more...