Eddie Gutierrez mabilis naka-recover matapos operahan sa tuhod

IBINAHAGI ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram account ang kundisyon ngayon ng kanyang amang si Eddie Gutierrez matapos sumailalim sa operasyon last May 9.

Kamakailan ay marami ang nag-worry nang ibalita ni Annabelle Rama na kailangang operahan sa tuhod ang kanyang asawa na 76 years old na ngayon. Ngunit agad namang sinabi ni Annabelle Rama na hindi naman delikado ang health condition ng veteran actor.

Ayon kay Ruffa, mabilis ang recovery ng kanyang ama matapos ang knee surgery nito. After 12 days daw ay nagkaroon na agad ito ng “remarkable improvement”. Sa katunayan excited na raw mag-golf ang kanyang ama.

Read more...