Showdown nina Jaclyn at Boobay waging-wagi

ALIW na aliw ang mga viewers sa recent episode ng Celebrity Bluff noong weekend kung saan isa sa mga naging kalahok ang The Cure star na si Jaclyn Jose kasama ang anak na si Andi Eigenmann.

Isa sa mga highlight ng gabi ay ang tagisan nila ng komedyanteng si Boobay sa pag-arte. Natuwa ang mga manonood nang ipakita ng mahusay na aktres kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng effortless acting na siyang sinubukang gayahin ni Boobay na patok na patok sa viewers.

Samantala, isa si Jaclyn sa mga inaabangang karakter sa action-series ng GMA bilang si Dra. Lazaro na siyang naghahanap ng gamot para mapatigil ang kumakalat na virus.

Marami ang pumupuri sa kanya dahil hindi lang siya basta doktor dito dahil naaantig din sila sa pagiging ina nito sa kanyang anak na si Josh (Ken Chan).

Sa patuloy na paglaganap ng virus, magawan pa kaya ng paraan ni Dra. Lazaro ang mapuksa ito o pati siya ay mahawaan na? Huwag palampasin ang patuloy na pagkalat ng virus ng The Cure sa GMA Telebabad.

Read more...