1 pa patay sa kidlat sa Negros

ISA na namang tao ang nasawi sa tama ng kidlat sa Negros Occidental, nitong Lunes.

Nasawi sa pinakahuling insidente ang magsasakang si Reynaldo Alanza, 33, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police.

Nagtatrabaho si Alanza sa palayan sa Purok Malipayon, Brgy. Ma-ao, Bago City, dakong alas-3 ng hapon, nang tamaan ng kidlat, ayon sa ulat.

Matatandaan na noon lang nakaraang Biyernes, apat katao ang nasawi at pito ang nasugatan nang tamaan ng kidlat sa tubuhan sa kalapit na bayan ng Pontevedra.

Tatlong araw lang bago iyon, 11 katao ang nasugatan nang tamaan ng kidlat ang isang kapilya kung saan may ginaganap na seminar para sa Flores de Mayo, sa Bago City.

Read more...