Du30 sinertipikahan na bilang urgent ang panukalang batas para sa BBL

SINERTIPIKAHAN na ni Pangulong Duterte bilang urgent ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) na target na maipasabatas bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 23, 2018.

“In order to advance the creation of a new autonomous region in Muslim Mindanao. The passage of the measure is a manifestation of the government’s committment to address the diverse needs of the people in Bangsamoro, and all communities and constituents of Mindanao, towards a just and lasting peace in Mindanao and in the Philippines as a whole,” sabi ni Duterte sa kanyang sulat kina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Kasabay nito, tiniyak ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na pipirmahan ni Duterte ang BBL bago pa ang kanyang susunod na SONA.

“It will be passed and signed by the President into law on time for its announcement during the State of the Nation address in July, this year,” sabi ni Dureza.

Ito’y matapos pulungin ni Duterte ang mga senador at kongresista sa Malacanang noong Lunes ng gabi.

“It was a good meeting with all leaders of the House and the Senate, including their members who expressed strongly on their views on the bill,” ayon pa kay Dureza.

Nakipagpulong din si Duterte sa mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pamumuno ni Kagi Murad Ibrahim, dagdag ni Dureza.

Read more...