“Within the month, kasi very clear ‘yung instruction ng Presidente (the President’s instruction is very clear to) address the issue of rising prices,” sabi ni Bello.
Ibinasura naman ni Bello ang panawagang P750 minimum na arawang sweldo ng mga grupo ng manggagawa.
“Hindi kaya ‘yan. Kailangan pang pag-aralan nang mabuti ‘yan. Baka instead of helping the employees, baka mawawalan ng employment,” dagdag ni Bello.
Idinagdag ni Bello na hindi naman magiging pareho ang dagdag sa sahod kada rehiyon.
“Actually ‘yung sa regional wage boards, yearly ‘yan; once a year ka lang makapag-adjust but in case of a supervening event that may require immediate action you can activate ‘yung ating regional wage boards,” ayon pa kay Bello.