Umibig kang muli (2) | Bandera

Umibig kang muli (2)

Joseph Greenfield - June 29, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Lydia ng Barredo st., Bislig City
Problema:
1. Nagkita kami ng textmate ko at sa pagkikitang iyon ay naging kami na. Maraming beses kaming nagkita at nag-date hanggang sa mabuntis ako. Ang akala ko’y binata siya at pakakasalan ako, pero huli na nang matuklasan kong may asawa at pamilya pala siya.
2. Nag-text sa akin ang kanyang asawa at hindi ko alam kung paano niya nakuha ang number ko.  Sinabi ng asawa niya na huwag ko na raw guluhin ang kanilang pamilya.  Pero nang mabuntis ako ay di na nagpakita ang BF ko.  Malapit na akong manganak.  Itatanong ko lang po kung babalikan pa ba ako ng BF ko? Pananagutan kaya niya ang baby na dinadala ko o bibigyan man lang kaya kami ng sustento? Ano ang mangyayari sa buhay ko?
 Umaasa,
Lyds ng Bislig City
Solusyon/Analysis:
 Astrology:
  Ang zodiac sign mong Aquarius  (Illustration 2.) ay nagsasabing ang lahat ng mga pagsubok na pinagdadaanan mo sa kasalukuyan ay malalagpasan mo rin hanggang sa dumating ang ikalawang pag-ibig na hatid ng isang Gemini. Sa kanyang pagdating ay habambuhay ka nang liligaya kahit pa sabihing magiging dalagang ina ka na.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing namang dahil likas kang mabait at mabuting tao, darating ang takdang panahong gagantimpalaan ka rin ng kabaitan at kabutihan ng tadhana. Mangyayari ito sa last quarter ng taon. Kasabay noon ang pagdating sa iyong buhay ng isang lalaking isinilang sa petsang 29.
Graphology:
Upang matiyak na sa ikalawang pag-ibig at pakikipagrelasyon ay hindi ka na luluha pang muli, ayusin at pagandahin mo ang nababoy at may malaking bilog na lagda sa unahang bahagi ng iyong pirma. Magagawa mo ‘yan sa pamamagitan ng pagsulat ng simpleng “M” na lang. Sa ganyang maayos at simpleng lagda, magiging maligaya ka sa  ikalawang pakikipag-relasyon.
Huling payo at paalala:
Lydia, ayon sa iyong kapalaran, kung buntis ka ngayon ay okay lang ‘yan.  Lilipas at mapaglalabanan mo ang pagsubok na nabanggit at kahit na maging dalagang-ina ka pa, nakatakda na ang magaganap sa taon 2014, isang lalaking nagtataglay ng initial na R.A. ang iyong makikilala, magiging boyfriend mo siya at kahit na dalagang-ina ka ay wagas ka niyang mamahalin. Makakasama mo rin siya sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending