Sylvia Sanchez ayaw na munang gumawa ng teleserye; 2 years napagod sa kaiiyak | Bandera

Sylvia Sanchez ayaw na munang gumawa ng teleserye; 2 years napagod sa kaiiyak

|May 29,2018
facebook
share this

Sylvia Sanchez ayaw na munang gumawa ng teleserye; 2 years napagod sa kaiiyak

- May 29, 2018 - 05:15 PM
Ni Dominic Rea KASALUKUYANG nasa Maldives ang mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez kasama ang asawang si Papa Art Atayde at ang dalawang anak nito minus Ria and Arjo. Umalis sila last May 27 at June 4 na ang balik. Mukhang magpapahinga talaga muna ang aktres sa paggawa ng teleserye this year dahil nakita natin kung paano siya nilaspag ng magkasunod na teleseryeng The Greatest Love at Hanggang Saan. “Pupunta kami sa Maldives para magpahinga talaga. Yung wala akong gagawin kundi ang matulog, yung pahinga talaga sa sarili at utak dahil for almost two years, grabe ang trabaho ko,” kuwento ni Sylvia nang sadyain ko siya sa kanyang tahanan bago sila umalis. Ibig sabihin ni Sylvia, hindi biro ang dalawang taong  iyakan na kanyang ginawa sa dalawang magkasunod na teleserye sa ABS-CBN. “Draining talaga siya na wala kang ginawa sa halos araw-araw na taping kundi  umiyak, lumuha! Nakakapagod din in a way kaya sabi ko, nag-promise talaga ako sa sarili ko na after ng Hanggang Saan ay magpapahinga talaga ako. After kasi ng Hanggang Saan, trabaho pa rin ang ipinunta ko sa Japan at HongKong. Itong Maldives namin, ito talaga ang pahinga ko,” lahat pa ni Sylvia. “For this year, wala talaga akong gagawing teleserye. Actually, may mga offers na, pero, sabi ko, next year na! Iba rin kapag nagsunod-sunod ka, pagsasawaan ka rin talaga ng tao. Mas maganda yung wala muna ngayon, tapos next year pagbalik ko, may pasabog na naman. Ibang Sylvia naman ang mapapanood nila,” dugtong pa ng aktres. Aminado naman si Sylvia na hindi niya inaasahang magbibida siya sa teleserye kung saan niyakap naman talaga ang kanyang galing ng buong mundo. What if kontrabida naman ang role na ibigay sa kanya next year sa kanyang pagbabalik? “Kahit ano, basta okey, wala akong pinipiling trabaho. Actually, gusto ko talagang magkontrabida ulit. Yung Nanay ako ng bida, tapos kontra, yung ganoon. Iba pa rin ang kontrabida, du’n ako nagsimula at gustong-gusto ko pa rin siya! Walang problema sa akin dahil wala naman tayong reklamo. Basta pakiusap ko lang, next year na!” lahad pa nito. Sa success ng kanyang career, damay rin dito ang napakahusay niyang anak na si Arjo Atayde. Ano pa bang mahihiling niya bilang pinagmanahan nina Ria at Arjo sa galing sa pag-arte? “Lagi kong sinasabi sa mga anak ko, especially kay Arjo na sobrang magpasalamat lang lagi sa biyaya niya, sa tiwalang ibinigay sa kanya. Alam ko naman na maipagmamalaki ko ang anak ko. Like si Ria, sabi ko, slowly but surely. Dahil sabi ko, kapag may napatunayan ka naman bilang isang aktor, alam mo naman sa showbiz, hindi ka nila puwedeng hatakin pababa kundi i-aangat kapa! “Tiyaga sa trabaho at respeto sa mga katrabaho! Masaya ako sa mga anak ko at alam kong masaya rin naman sila sa kanilang ginagawa, nag-eenjoy din naman sila, happy lang lahat! Ganoon lang,” pagtatapos ni Sylvia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending