School supplies tinamaan ng TRAIN | Bandera

School supplies tinamaan ng TRAIN

Leifbilly Begas - May 29, 2018 - 04:06 PM

school supplies

TUMAAS umano ang presyo ng school supplies dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion ayon sa price monitoring ng Alliance of Concerned Teachers.

Ayon sa ACT tumaas ng P1 hanggang P5 ang presyo ng mga school supplies sa Divisoria, Manila kumpara sa presyo nito noong nakaraang taon. “Including the price increases on school uniform, shoes and bags, the household budget for school opening needs rise from P2,000 to P2,500 per child who studies in public school.” Doble umano ang tama ng TRAIN sa mga guro at magulang na abala rin sa pagpapaganda ng kanilang mga silid-aralan sa ilalim ng Brigada Eskuwela. “The Brigada Eskwela program of the Department of Education which runs a week before the school opening passes on the expenses for classroom repairs and beautification to teachers and parents.” Sinabi ng ACT na mayroon ding pressure na nararamdaman ang mga guro mula sa mga opisyal ng mga ito para mapilit ang mga magulang na tumulong sa pagsasaayos ng silid-aralan at maghanap ng pondo na magagamit sa pag-aayos. Marami umano sa mga guro ang napipilitang maglabas ng kanilang sariling pera dahil dito.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending