Kim Yoo Jung ng Love In The Moonlight balik sa pag-arte


MATAPOS makilala nang husto sa Korean hit drama na Love In The Moonlight mapapanood na muli ang young actress na si Kim Yoo Jung sa bago niyang serye na Clean With Passion For Now.

Matatandaang naging leading lady si Yoo Jung ng Korean actor na si Park Bo Gum sa matagumpay na Korean comedy period drama noong 2016. Nabalam ang shooting ng bagong drama series ni Yoong Jung matapos siyang magkasakit.

Inaasahan namang matutuloy na ang shooting nito sa paggaling ng young actress.

Target namang maipalahas ang bagong K-drama ni Yoong Jung sa Nobyembre.

Ipinalabas ng dalawang beses sa ABS-CBN ang Love In The Moonlight nina Bo Gum at Yoong Jung dahil na rin sa tagumpay na tinamasa nito sa bansa.

Read more...