Dong Gun, Joong Ki sa bagong fantasy-drama


WORD of the week: Unnie – nangangahulugan ito ng “older sister” sa Korean. Ginagamit din ito ng babae kapag nakikipag-usap sa mas matanda sa kanilang babae, kadugo man o hindi.

Ginagamit din ito kapag gustong maliitin ng isang babae ang kausap niya kahit pa magkasing-edad lang sila.

q q q

Inaalok ang magaling na aktor na si Jang Dong Gun para magbida sa isang bagong fantasy historical Korean drama na posible ring pagbidahan ng Korean superstar na si Song Joong Ki at isa pa sa lead star ng Descendants Of The Sun na si Kim Ji Won.

Kinumpirma ng kampo ni Dong Gun na inalok ang aktor para maging bida sa Asadal. Nauna na ngang inalok ang nasabing proyekto kina Joong Ki at Ji Won.

Ayon sa ulat, pinag-aaralang mabuti ni Joong Ki kung tatanggapin ang period drama matapos ang kanyang blockbuster K-drama na Descendants Of The Sun.

Ongoing pa ang series ngayon ni Dong Gun na Suits kasama ang aktor na si Park Hyung Sik.

Ang Asadal ay kwento ng kapangyarihan, pag-ibig at pag-unlad na nangyari sa lungsod ng Asadal, na sinasabing kapital ng lungsod noong panahon ng Gojoseon.

Samantala, patuloy na nangunguna ang Suits sa timeslot nito tuwing Miyerkules at Huwebes ng gabi.

Base sa pinakahuling datos mula sa Nielsen Korea, nakakuha ito ng viewership rating na 9.9 percent, base sa pinakahuli nitong episode.

Read more...